iris birthday present how nice that i mention this but since this the only thing that i can remember happening the past almost month, i'm gonna put it in. anyhow, idol's birthday was on wednesday november 14, 2007 [which was on the same day as our alleged sci-camp disaster which i am gonna discuss in a moment or so] and we prepared her gift [crap. switch.] inayos namin yung regalo [much better] niya in 2 days time. *claps* actually ka-randoman lang talaga yung nilagay namin dun. what do you expect? ako+chay+grace+karen. ka-randoman lang talaga. lalo na nung kami ni grace ung gumawa. ahaha. tadtaran eh. kami pa eh bangag kami pareho nun. pinagtripan na lang namin yung lahat ng pwedeng pag-tripan. sulit sa'min yung stickers eh. ahaha. grabe talaga. kapag nagka-sama talaga ang dalawang bangag, kung sino-sino ang pinagtitripan. hinde namin nakita ang reaction ni idol ng aming ibigay ang regalo kasi nasa 'mini-forest' kami nun at inabot na lang namin yung scrapbook sabay sigaw ng "HAPPY BIRTHDAY" at lakad palayo. hinde pa namin siya natatanong mula nung araw na yun kung ano ang kanyang reaction.
sci camp or more known in my world as the 700php worth roadtrip/vanity moment. i swear that thing would have been a major waste of time if the bus trip was useless and cameras never existed. [language shift!] kasi naman, yung 2 and a half hours na papunta dun sa subic, nakatitig lang ako dun sa labas kasi tinitingnan ko yung scenery. ayos lang yung umaga kaso nakakatamad at maraming tulog. medyo nagpick-up nung nag bus stop kami [at nakita ko si ngiti] at pinalipat namin si mariz dun sa bus5. kabangag yung mga oras na yun. nung nagpunta naman kami dun sa boardwalk, total waste of time lang yung activity na pinagawa nila sa amin. pinagawa kami ng tent para sa 20 na tao na gawa sa dyaryo at tape. oo. DYARYO AT TAPE. in the end, hinde rin namin natapos at yung mga section na nakatapos, hawak-hawak nila yung bubong nung tent. hello? sino namang matinong tao ang papasok sa loob ng isang tent na kelangan hawakan pa yung bubong... AT sino namang matinong tao ang gustong pagkasyahin ang sarili sa ilalim ng tent na gawa sa dyaryo at tape kasama ang 19 pang other people. such a waste of time. after nun, yung human periodic table na hinde ko na pinag-gastusan ng oras. nag-slide na lang ako kasama sila karen dun sa paikot na slide na nakita namin malapit sa bathroom. yun lang ata yung ikinatuwa ko dun sa lugar na yun. sunod naman ay umikot kami sa lighthouse. as in ikot lang. hinde kami pinababa ng bus. umikot lang yung bus na parang xunga. putek. senseless. next, nag-stop over para mag lunch. hinde ako nag-lunch. umupo lang ako dun at nakipagdaldalan kasi nakalimutan ko magpa-baon *claps* after nun ay dumaan kami sa mini-forest. naglakad kami at minura namin ang gubat. masaya eh. tandem kami ni erika at mariz. in the end, na dead-end lang kami, nag vain moments at nag-ingay. [hinde nga namin nakita ung bahay ni zk at ung bahay ni marmo] sunod naman na dinaanan ay ung mga fishes. nag picture lang kami ng seven sins and i must say, mukha atang matino ang kinalabasan [si barton kasi ang cameraman!] kaso hinde kasama si jeno. next dun ay ung bunkers. WALANG KWENTA. bumaba pa kami para dun at wala naman pala kaming napala. AS IN WALA. natuwa lang ako at andun si ngiti pero hinde ko naman na-picturan ng maayos. useless. sunod naman dun ay sa puregold na ang bagsak namin. bumili lang ako ng twix at chips ahoy! pero hanggang ngayon ay tinititigan ko pa lang sila. ahaha. saka ko na kakainin. ung trip pabalik ung pinaka-masaya kasi sobrang saya. ang ingay sobra sa bus at nung nag second to the last stopover na kami, umupo kami dun sa sandalan nung seats para mas maganda ung view. grabe. ang ingay talaga namin. nagtulakan pa kami! ahaha. nasita nga lang kami pero enjoy naman. after nun medyo tumahimik at nag-emo kantahan na lang kami dun sa likod at nung malapit lapit na sa sm north, nagsisigawan na kami. ung bus trip lang talaga yung ikinatuwa ko dun sa araw na un :D
ngiti ewan ko ba at parang nabaliw na naman ako sa kanya. ahaha.
chaos nde kasi... ahahaha.
chris masama :P
sinipsip nung update ko tungkol sa sci camp lahat ng dapat kong sasabihin eh. ahaha. sa susunod na lang para masaya :D
Labels: bday ni idol, chaos, ngiti, sci camp